Ibinabalik ng Matriarchs at ng Knowledge Keepers ang kalusugan at kabutihan ng mga Indigenous na tao
Sa VCH, natututo kami mula sa Indigenous Matriarchs at Knowledge Keepers para pahusayin ang health care at para lumikha ng mas pantay na health system para sa lahat.
Ang Matriarchs at Knowledge Keepers ay mga lubos na ginagalang na miyembro ng Indigenous communities na may lubos na karanasan; prinerserba nila ang kultural na karunungan at kaalaman na ipinasa sa pamamagitan ng kanilang angkan ng ina (maternal lineage) at mga tradisyon ng ninuno. Sila'y ilang henerasyon nang nirerespeto, at sila’y may lakas sa mga Indigenous na komunidad. Mayroon silang mga kakaibang pananaw sa mga tradisyunal na healing practices at mga Indigenous na pananaw sa mundo; makakatulong itong labanan ang mga kultural na hadlang na kadalasang humahadlang sa mga Indigenous na tao na mag-access ng pangangalaga.
Para masigurado na napapakinggan ang mga Indigenous na tinig at na ito'y isinasama sa ating health system, itinatag ng VCH ang Matriarchs and Knowledge Keepers Advisory Committee.
Ang komite na ito ay binubuo ng Indigenous Elders, clinicians, at mga miyembro ng Indigenous Health team na nagtratrabaho sa loob ng VCH at sa kanilang mga komunidad para magkaroon ang mga ito ng mga Indigenous na paraan at para makipag-ugnayan sa mga Indigenous na kliyente. Kakaiba ang kolaborasyon na ito sa health authorities sa B.C. Pinakikinggan ng Komite ang mga tinig ng mga Indigenous na kababaihan at ng kanilang mga pamilya mula sa kanilang mga komunidad nang mapayuhan nito ang mga pinuno ng VCH Indigenous Health, at nang makausap ang ibang mga komite at mga direktor at maipresenta ang mga isyu mula sa mga miyembro ng komunidad.
"Bilang Matriarchs at Knowledge Keepers, taglay namin ang mga itinuro ng aming mga ninuno at ang trabaho namin ay ang masigurado ang kabutihan ng aming mga komunidad. Ang aming mga naging karanasan, kaalaman, at mga kultural na gawi ay nakakatulong na magbigay-ginhawa sa mga pasyente at ipinapakita ng mga ito kung paano maaaring alagaan ng mga Indigenous na Tao ang kanilang sarili at ang iba. Pinagsisikapan naming magkaroon ng health care system na ligtas sa kultura, na nagrerespeto sa mga Indigenous na mga gawi at mga pananaw sa mundo, nang makalikha ng isang mas mabuting kinabukasan para sa mga darating na henerasyon."
- Elder Roberta Price, Isang pangunahing miyembro ng Matriarchs at Knowledge Keepers Advisory Committee
Ang trabaho ng Advisory Committee ay mahalaga para maitaguyod ang sistemikong pagbabago at mapahusay ang kalusugan ng mga Indigenous na tao. Kamakailan lamang ay kinolekta ng Matriarchs at Knowledge Keepers ang mga naging karanasan ng mga Indigenous na buntis na babae hinggil sa kanilang paggamit ng droga o alak habang buntis. Magkasama nilang binigyang-diin ang pangangailangan para sa karagdagang trauma-informed na pangangalaga, mga paraan upang bawasan ang panganib, at kultural na kaligtasan ng service providers sa perinatal care para makatulong na protektahan ang mga Indigenous na nanganganak sa panahon ng kanilang buhay kung kailan sila pinaka-naaapektohan.
Bukod pa sa kanilang trabaho sa Advisory Committee, ang Matriarchs at Knowledge Keepers ay diretsong nakikipagtulungan sa mga Indigenous na pasyente para suportahan ang trauma‑informed na pangangalagang ligtas para sa kultura. Itinataguyod nila ang mga karapatan at mga pangangailangan ng mga Indigenous na tao, dinidebelop nila ang care plans na tumutugon sa mga pinagmumulang problema, at iniuugnay nila ang mga pasyente sa mga tradisyunal na healing practices. Ang kanilang pakikipagtulungan sa mga buntis na babae ay tumutulong na panatilihing magkakasama ang mga pamilya at na maiwasan ang intergenerational trauma.
Ginagamit ng Matriarchs at Knowledge Keepers ang holistic health care approach; kasama rito ang mga spiritwal na aspeto. Bagamat hindi nila kayang alisin ang pananakit na nararamdaman ng ibang mga tao, mapapagaan nila ito gamit ang kanilang maginhawang presensya at mga kultural na gawi. Ang presensya na ito ay isang paalala sa mga nasa paligid nila na kahit sila'y nahihirapan, sila'y minamahal pa rin at mayroon silang lugar kung saan sila'y bahagi at laging tinatanggap. Ang kagandahang-loob, katatagan, at pagtanggap sa kanila ay nagbibigay sa iba ng positibong modelo na susundin nila sa kanilang mga sariling buhay.
Gamit ang kanilang tanyag at pinagkakatiwalaang posisyon sa Indigenous na komunidad, itinataguyod ng Matriarchs at Knowledge Keepers sa Advisory Committee ang koneksyon sa pagitan ng mga Indigenous na kliyente at ng VCH. Tumutulong silang matuklasan kung saan mayroong sumosobra at kakulangan sa health care, at kumikilos sila kaagad kapag may krisis tulad ng isang heat wave o pandemya. Noong huling heat dome, malaki ang nagawa nila sa pag-aseso sa mga pangangailangan ng mga Indigenous na kliyente sa vulnerable na komunidad ng Downtown Eastside sa Vancouver. Mahalaga ang nagawa nila nang pinahintulutan nila ang VCH na magbigay kaagad ng tamang pangangalaga.
Ang Matriarchs at Knowledge Keepers ay may mahalagang tungkulin sa pag-decolonize ng health care at paglikha ng mas mabuting health care system para sa lahat.
Sa pamamagitan ng mga Indigenous na kasaysayan, oral storytelling, at kaalaman mula sa ilang taóng karanasan, naglalaan sila ng mga makabagong ideya upang pahusayin ang kabutihan at mag-ambag sa reconciliation sa pamamagitan ng paglikha ng mga karaniwang katotohanan at pag-unawa. Ang kanilang mga pananaw at mga koneksyon ay nakakatulong na iugnay ang Indigenous at ang mainstream health care systems at masiguradong pinakikinggan ang mga Indigenous.