Raven Song Community Health Centre Entrance

Kailangan mo ba kaagad ng tulong?

Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.

Suicide hotline: 1-800-784-2433

Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789

Kids Help Phone: 1-800-668-6868

KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717

 

Ang Child & Youth Mental Health Team sa Raven Song Community Health Centre ay nagsisilbi sa mga bata, kabataan, at sa kanilang mga pamilya hinggil sa mga malulubhang problema sa pangkaisipang kalusugan at/o social, emotional, o behavioural disturbances. Dedikado kami sa paggawa ng maagang interbensyon nang maiwasan o gawing banayad ang mga malulubhang disorder. Gayunman, ang paglahok ay kusang-loob.

Paano i-access

  • Tingnan kung eligible

    Mga bata at kabataang 6-18 taong-gulang

    Naninirahan sa Vancouver

  • Hanapin ang iyong team

    Humanap ng lokasyon para sa isang support team para sa mga bata at kabataang 6 hanggang 18 taong-gulang. 
    Ang lungsod ay hinati-hati sa catchment areas nang makapagbigay ng mas mahusay na suportang mas malapit mapupuntahan. Dapat mong kompirmahin ang iyong address sa clinic para masigurado na ikaw ay nasa loob ng tamang catchment area.

    Hanapin ang iyong team

     

Mga oras ng pagpapalakad

Kasalukuyang sarado
  • Monday:   9:00 a.m. to 5:00 p.m.
  • Tuesday:   9:00 a.m. to 5:00 p.m.
  • Wednesday:   9:00 a.m. to 5:00 p.m.
  • Thursday:   9:00 a.m. to 5:00 p.m.
  • Friday:   9:00 a.m. to 5:00 p.m.
  • Saturday:   Sarado
  • Sunday:   Sarado

Parking & transportation

May limitadong visitor parking na available. May karagdagang parking sa kalye.

Ano ang maaasahang mangyari

Ang aming mga clinic at mga programa ng mga propesyonal sa pangkaisipang kalusugan ay naglalaan ng mga serbisyo, kabilang na ang:

  • assessment at referral sa mga naaangkop na serbisyo,
  • pagkonekta sa iyo sa resources
  • konsultasyon,
  • therapy, psychiatry, groups, at
  • edukasyon.

Sensitibo kami sa diversity ng lahat ng mga pamilya at may access kami sa mga interpreter kung sila'y kinakailangan. Ang aming mga serbisyo ay libre at kusang-loob.
 

Alamin kung ano ang intake process

An illustration of a child with their parent using an mental health intake service

Raven Song Community Health Centre

Raven Song Community Health Centre offers a range of health care services for people of all ages and works with community organizations and health care providers, such as your family doctor, to keep you and your community healthy.

Child & Youth Mental Health Intake 6 hanggang 18 taong-gulang

Ang Child and Youth Mental Health Intake services ay nagsusuporta sa mga bata, kabataan, at sa kanilang mga pamilya hinggil sa mga malulubhang problema sa pangkaisipang kalusugan at/o social, emotional, o behavioural disturbances.