Adults 19+ Substance Use Intake Services

Ang adult substance use intake services ay tumutulong sa adults na 19+ taong-gulang at sa kanilang mga pamilya na maka-access ng substance use support services sa Vancouver Coastal Health region. Maraming mga serbisyo ang nagsusuporta rin sa mga kahirapan sa mental health (pangkaisipang kalusugan) at sa substance use (paggamit ng droga o alak).

Ano ang maaasahang mangyari

Kung ikaw ay isang adult na mahigit sa 19-taong-gulang at naninirahan ka sa Vancouver Coastal Health region, maraming substance use intake services ang available para tulungan kang ikonekta sa mga serbisyo at resources; ang mga serbisyong ito ay makakapag-refer din sa marami sa aming mental health at substance use programs. Ang layunin ay ang itugma ang mga pangangailangan ng isang tao sa mga tamang serbisyo at resources sa tamang panahon.

Ang sinomang pamilya, caregiver, o táong nag-aalala ay maaaring tumawag sa intake service para magreport ng mga alalahanin, magbigay ng impormasyon, at mag-request ng mga serbisyo para sa isang táong nangangailangan ng suporta. Pinagsisikapan naming magbigay ng low-barrier access sa pangangalaga at suportang nagbibigay-diin sa kliyente.

Substance use intake services na available malapit sa iyo

May tulong na available. Kontakin ang isang serbisyo malapit sa iyo para magsimula o malaman kung ano ang substance use services na available sa iyong lugar. Maraming mga serbisyo ang nagsusuporta rin sa mga kahirapan sa pangkaisipang kalusugan at sa paggamit ng droga o alak.

Ikaw ba ay kabataan sa pagitan ng 12 at 24 taong-gulang?

Ang foundry locations ay nag-aalok din ng suporta para sa mga táong may mga alalahanin sa pangkaisipang kalusugan at na gumagamit ng droga o alak; may suportang available para sa mga kabataang 12 hanggang 24 taong-gulang. Humanap ng isang Youth & Young Adult Mental Health Drop-In Clinic sa iba't-ibang mga lokasyon, kasama ang North Shore at Richmond.