Landscape of Bella Coola with mountains in background.

Ang Vancouver Coastal Health ay dedikadong maghatid ng pinakamahusay na pangangalaga sa 1.25 milyong tao

Kabilang na ang First Nations, Métis at Inuit sa ating rehiyon, sa loob ng mga tradisyunal na territories ng Heiltsuk, Kitasoo-Xai’xais, Lil’wat, Musqueam, N’Quatqua, Nuxalk, Samahquam, shíshálh, Skatin, Squamish, Tla’amin, Tsleil-Waututh, Wuikinuxv, at Xa’xtsa.

Headshot of Penny Ballem with styled quotes

Mensahe mula sa Pinuno ng Board ng VCH

Para sa mahigit sa 29,000 staff at medical staff na nagsisilbi sa 1.25 milyong tao sa buong province, ang mga epekto ng nakaraang tatlong taon ay magtatagal pa para sa karamihan sa atin at hindi ito magtatapos sa pagtanggal ng masks. Idagdag pa rito ang opioid crisis at ang pangangailangang magbigay ng patuloy na suporta sa dumaraming táong may mga paghahamon sa pangkaisipang kalusugan at paggamit ng droga o alak, at pati na rin ang nakakabahalang climate change sa nakikitang wildfires, snowstorms, atmospheric rivers at heat domes; ang workforce ay hindi lamang humarap ng mga paghahamon ngunit nagpakita rin ng napakalakas na determinasyon. Ang mga pangyayari sa nakaraang taon, at gayon din ang pamumuno at kabayanihan na nakita natin sa ating mga kasamahan, ay walang-katulad at kagulat-gulat. Talagang tinutulungan nila tayo na makaahon, at tayo ay inspirado at nagpapasalamat.

Mensahe mula sa Pinuno ng Board ng VCH

Ang mga kuwento sa ulat na ito ay nagbibigay-buhay sa mga pambihirang táong patuloy na nagtratrabaho sa isang pambihirang panahon.

Headshot of vivian eliopoulos

Mensahe mula sa VCH President at CEO

Mag-click upang panoorin ang video

Tungkol sa ulat na ito

Ang mga bagay na aming minamahalaga (core values)

Ang ulat ay binubuo ng aming apat na Haligi ng VCH: Indigenous Cultural Safety, Equity, Diversity at Inclusion, Anti-Racism at Kalusugan ng Planeta, pati na ang aming values na Nagbibigay Kami ng Pangangalaga sa Lahat, Lagi Kaming Natututo, at Nagsisikap Kaming Makakuha ng mga Mas Mabuting Resulta.

Mga Haligi ng VCH

Bilang bahagi ng aming pangako na maghatid ng napakahusay na pangangalaga para sa lahat, patuloy kaming naghahanap ng mga paraan upang pahusayin ang aming mga programa’t mga serbisyo para masigurado na sila'y ligtas para sa kultura, nagbibigay-respeto at naangkop, at nagtataguyod sa pagbigay ng pantay-pantay na pangangalaga sa kalusugan. Habang isinasaisip ito, at habang pinapatnubayan ng mga bagay na aming minamahalaga (core values) na Inaalagaan Namin Ang Lahat, Lagi Kaming Natututo, at Nagsisikap Kaming Makakuha ng mga Mas Mabuting Resulta, sinimulan namin ang apat na Haligi ng VCH. Pinapatnubayan kami ng aming mga haligi na alalayan ang aming mga pangako na paghatid ng ligtas at mahusay na pangangalaga.

Foundations

Magkaroon ng pangmatagalang impact sa pamamagitan ng pag-ambag sa mahalagang trabaho ng VCH sa pamamagitan ng pagbigay ng donation sa isang hospital foundation. Ang donations ay tumutulong sa pagbayad ng specialized equipment, pagsuporta sa medical research, at pagpapahusay sa pangangalaga sa pasyente. Ang bawat donation ay gumagawa ng pagkakaiba sa mga buhay ng aming mga pasyente, sa kanilang mga pamilya, at sa ating mga komunidad.

Para malaman pa kung paano binabago ng hospital foundations ang health care, bisitahin ang vch.ca/donate.

Donate