Ako'y magbibiyahe sa labas ng B.C.; kailangan ko ba ng karagdagang insurance?

Kasapi nang

2 years 6 months
Submitted by tiana.coutts@vch.ca on

May mahalagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa kung ano ang nasasakop ng iyong coverage kapag ikaw ay lumabas ng province. Para sa pinakabagong impormasyon, bisitahin ang website ng Pamahalaan ng British Columbia (Government of British Columbia).

Saan ba ako magpupunta para mabakunahan ang sinomang miyembro ng aking pamilya?

Kasapi nang

2 years 6 months
Submitted by tiana.coutts@vch.ca on

Ang mga bakuna ay mahalagang tool sa health care, at prinoprotekahan tayo nito mula sa mga epekto ng ilang mga malubhang impeksyon at sakit na posibleng nakamamatay. Kunin ang mga rutinang bakuna para sa mga bata at adults sa VCH Public Health Units o mula sa isang general practitioner. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa immunizations

Saan ba ako pupunta para bumili ng gamot?

Kasapi nang

2 years 6 months
Submitted by tiana.coutts@vch.ca on
  • May mga gamot na mabibili mo kapag lamang mayroon kang reseta para dito. Ang mga reseta ay dapat isinulat ng isang doktor o ibang medikal na tao (tulad ng midwife o nurse practitioner). Maaari kang bumili ng mga de-resetang gamot sa isang pharmacy (botika). Ang ilang grocery stores ay may mga pharmacy. Kapag nagpunta ka sa isang pharmacy, dalhin mo ang iyong reseta. Malalaman ng pharmacist mula sa reseta kung ano at ilang gamot ang kailangan mo. Ipapaliwanag sa iyo ng pharmacist kung gaano kadalas at kung gaano katagal mo dapat inumin ang gamot.
  • Maaari kang mag-search online para humanap ng isang pharmacy, o kaya'y tumawag sa HealthLink BC sa 8-1-1 o gamit ang HealthLink BC website o ang BC Health Services Locator app upang humanap ng pharmacy malapit sa iyo.
  • Ang ilang mga gamot ay mabibili mo nang walang reseta. Ang mga ito'y tinatawag na non-prescription o over-the-counter drugs. Sila'y karaniwang para sa mga problemang hindi gaanong malala, tulad ng sakit sa ulo, sipon, o allergy. Kung mayroon kang tanong tungkol sa over-the-counter drugs, tanungin ang pharmacist. Maaari mo rin tawagan ang HealthLink BC sa 8-1-1 at hilinging makipag-usap sa isang pharmacist.

 

Paano ko ba malalaman kung kailangan kong magpunta sa Emergency Department o sa isang Urgent and Primary Care Centre (UPCC)?

Kasapi nang

2 years 6 months
Submitted by tiana.coutts@vch.ca on
  • Para sa mga sakit o pinsalang mapanganib sa buhay, tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa Emergency Department upang maaseso at mabigyang-lunas kaagad. Kabilang dito ang mga pinaghihinalaang istrok o atake sa puso, panglalason o overdose, major trauma, pinsala sa ulo at nawalan nawalan ng malay-tao, atbp.
  • Ang mga UPCC ay may team ng health care providers na naglalaan ng pangangalagang nakasentro sa pasyente; ang team ay binubuo ng family doctors, registered nurses, nurse practitioners, social workers at clerical staff. Ang mga ito'y para sa mga táong may pinsala at/o sakit na kinakailangan matingnan kaagad ngunit hindi mapanganib sa buhay, at kailangan silang makita ng isang doktor o nurse practitioner sa loob ng 12-24 oras.
  • Ang ilang mga halimbawa ng mga pinsala/sakit na maaaring gamutin sa isang UPCC: pilay at strain, mataas na lagnat, lumalalang chronic o pangmatagalang sakit, mga kaunting impeksyon, at bago o lumalalang kirot. Ang mga UPCC ay may team na naglalaan ng pang-araw-araw na pangangalaga sa kalusugan. Sila'y naglalaan ng urgent care kapag hindi ka maaaring magpatingin sa iyong family doctor o nurse practitioner at ang iyong pinsala/sakit ay hindi emergency.

Ano ang gagawin ko kung hindi available ang aking family doctor / nurse practitioner?

Kasapi nang

2 years 6 months
Submitted by tiana.coutts@vch.ca on
  • Kung kailangan mong magpatingin kaagad at hindi available ang iyong family doctor o nurse practitioner, maaari mong puntahan ang isang doktor o nurse practitioner sa isang walk-in clinic maaari kang magpunta sa isang Urgent and Primary Care Centre (UPCC).
  • Ang UPCC ay hindi kapalit ng family doctors o care providers bilang táong unang kokontakin kung may alalahanin sa kalusugan, at hindi rin ito kapalit ng mga Emergency Department para sa mga sakit o pinsalang mapanganib sa buhay. Layunin nitong magbigay ng karagdagang serbisyo sa komunidad upang magbigay ng angkop na urgent services sa mga pasyente kapag at kung saan nila ito kinakailangan.
  • Ang mga ito'y first come, first served, kaya’t maaaring kailangan mong maghintay upang makita ng isang doktor o nurse practitioner.

Paano ba ako tatawag ng ambulansiya?

Kasapi nang

2 years 6 months
Submitted by tiana.coutts@vch.ca on
  • Kung mayroon kang medical emergency at hindi mo kayang magpunta sa ospital, puede kang tumawag ng ambulansiya. Sa karamihan ng mga lugar, ang numerong tatawagan ay 9-1-1. Maaaring naiiba ang numerong tatawagan sa mga maliliit na komunidad. I-check ang numero sa loob ng mga nauunang pahina ng iyong direktoryo o tanungin ang iyong local police department. Dapat mong isulat at i-save ang mga numerong tatawagan kung may emergency.
  • Kapag tinawagan mo ang numero para sa emergency, tatanungin ka ng operator kung kailangan mo ng pulis, bombero, o ambulansiya. Humingi ng ambulansiya. Tatanungin ka ng operator kung ano ang iyong mga alalahanin sa kalusugan. Maaaring bigyan ka niya ng medical instructions sa telepono. Kung nagpapunta sa iyo ng ambulansiya, aalagaan ka ng mga paramedic.
  • Hindi sinasakop ng MSP ang buong gastos ng pagpunta sa ospital gamit ang ambulansiya. Kailangan mong bayaran ang bahagi ng gastos para dito. Hindi mo kailangang magbayad kaagad dahil padadalhan ka ng bill pagkalipas. Kung mababa ang iyong kinikita, maaaring makakuha ka ng tulong.

Paano kung kailangan ko ng tulong sa wika sa isang medical appointment?

Kasapi nang

2 years 6 months
Submitted by tiana.coutts@vch.ca on
  • Kung kailangan mo ng tulong sa wika sa isang medical appointment, may makukuhang serbisyo ng interpreter para sa iyong mga pangangailangan sa health care. Maaari mong hilingin ang iyong doktor, nurse practitioner, o midwife na mag-book ng interpreter para sa iyo.
  • Maaari ka ring tumawag sa HealthLink BC sa 8-1-1 para sa impormasyon sa kalusugan sa ibang mga wika maliban sa Ingles.May Interpreting services na makukuha sa mahigit sa 130 wika. Pagkatapos i-dial ang 8-1-1, makokonekta ka sa isang tao sa health service na nagsasalita ng Ingles. Para makakuha ng serbisyo sa ibang wika, sabihin lamang ang wikang hinahanap mo (hal., sabihing “Tagalog”) at may interpreter na sasali sa tawag.

Ano ang mangyayari kapag handa na akong umuwi mula sa Emergency Department?

Kasapi nang

3 years 1 month
Submitted by bianca.tejada… on
  • ‎Makikipagtulungan sa iyo ang iyong health care team sa pagpaplano ng kung kailan ka uuwi
  • Maaaring bigyan ka ng iyong doktor ng reseta para sa gamot; sasabihin sa iyo ng isang nurse kung paano iinumin ang gamot.
  • Subukang humanap ng isang kapamilya o kaibigang magmamaneho sa iyo o makakasama mo pauwi.
  • Makikipagtulungan sa iyo ang iyong health care team upang ayusin ang anumang karagdagang pangangalagang kakailanganin, tulad ng home & community care services, pangangalaga sa ibang ospital, o rehabilitation services.

Ano ang mangyayari pagdating ko sa Emergency Department?

Kasapi nang

3 years 1 month
Submitted by bianca.tejada… on
  • Lalapitan ka ng isang Emergency Department (E.D.) Triage Nurse pagdating mo at tatanungin ka niya tungkol sa iyong mga sintomas; susuriin din niya ang iyong vital signs. Ihanda para sa nurse ang iyong photo ID, BC Services Card o kaya CareCard, at listahan ng iyong mga kasalukuyang gamot.
  • Ang mga táong nagpupunta sa Emergency Department ay matitingnan depende sa kung gaano sila kalubhang napinsala o kung gaano kalubha ang kanilang sakit. Ibig sabihin nito'y ang mga táong may pinakagrabeng sakit ang siyang titingnan muna kahit dumating ka nang nauna sa kanila. 
  • Tandaan na ang iyong medical records mula sa iyong family doctor ay hindi available sa Emergency Department. Ang impormasyon na available lamang sa emergency doctors ay ang iyong medical history mula sa mga dati mong pagpunta sa ospital na iyon.
  • Ang mga empleyado sa Emergency Department ay dedikadong magbigay ng pinakamahusay na health care na maibibigay nila. Pasensya na lang po sa iyong paghihintay para sa test results, interpretations, mga konsultasyon, at iba pang impormasyon na makakatulong sa amin na madiyagnos at maalagaan ka.